ANO ANG MGA PAGPIPILIAN NA GAMUTAN PARA SA EARLY
AT LOCALLY ADVANCED STAGES NG KANSER SA BAGA?
Ang iyong gamutan ay nakadepende sa stage ng iyong kanser, sa estado ng biomarker,
at sa iyong kabuuang kalusugan. Ikaw at ang iyong doktor ang magpapasya kung aling plano sa gamutan ang babagay sa iyong partikular na uri ng kanser sa baga.
MGA PAGPIPILIAN NA GAMUTAN
OPERASYON
Ang operasyon ay ang pagtanggal ng tumor. Ang uri ng operasyon ay depende sa lokasyon ng tumor, laki at stage ng kanser sa baga.
RADIATION
Isang uri ng gamutan na
gumagamit ng high-energy x-rays
o waves upang patayin ang mga cell
ng kanser, o pigilan ang mga ito sa
paglaki. Ang radiation ay maaari ring
makaapekto sa malusog na mga cells.
CHEMOTHERAPY
Isang gamutan sa kanser na humahadlang sa paglaki
ng mga cell ng kanser, sa pamamagitan ng pagpatay
sa mga cell o sa pagpigil sa kanilang pagdami.
Ang chemotherapy ay maaari ring
makaapekto sa malusog na mga cells.
TARGETED NA THERAPY
Isang uri ng gamutan na tumutukoy at umaatake sa ilang biomarker o mga mutation na nagtutulak na lumaki at kumalat ang kanser.
Ang targeted na therapy ay maaari ring makaapekto sa malusog na mga cells.
IMMUNOTHERAPY
Drug therapy na gumagamit sa immune system ng katawan para labanan ang kanser.
Ang immunotherapy ay maaari ring makaapekto sa malusog na mga cells.
OPERASYON
Ang operasyon ay ang pagtanggal
ng tumor. Ang uri ng operasyon ay
depende sa lokasyon ng tumor,
laki at stage ng kanser sa baga.
TARGETED NA THERAPY
Isang uri ng gamutan na tumutukoy at umaatake sa ilang biomarker o mga mutation na nagtutulak na lumaki at kumalat ang kanser. Ang targeted na therapy ay maaari ring makaapekto sa malusog na mga cells.
IMMUNOTHERAPY
Drug therapy na gumagamit sa immune system ng katawan para labanan ang kanser.
Ang immunotherapy ay maaari ring makaapekto sa malusog na mga cells.
CHEMOTHERAPY
Isang gamutan sa kanser na humahadlang sa paglaki ng mga cell ng kanser, sa pamamagitan ng pagpatay sa mga cell o sa pagpigil sa kanilang pagdami. Ang chemotherapy ay maaari ring makaapekto sa malusog na mga cells.
RADIATION
Isang uri ng gamutan na gumagamit ng high-energy x-rays o waves upang patayin ang mga cell ng kanser, o pigilan ang mga ito sa paglaki. Ang radiation ay maaari ring makaapekto sa malusog na mga cells.
KUNG ANG KANSER KO SA BAGA AY MAAARING ALISIN SA PAMAMAGITAN NG OPERASYON, KAILANGAN KO PA RIN BA NG IBANG URI NG GAMUTAN?
Ang operasyon ay ang pangunahing paraan ng gamutan, kung maaari. Sa maraming mga kaso, ang iyong healthcare team ay maaaring magrekomenda ng karagdagang gamutan pagkatapos ng matagumpay na operasyon upang tulungang maiwasan ang pagbabalik ng iyong kanser sa baga.
Mahalagang talakayin ang biomarker testing, at ang mga resulta nito, kasama ng iyong healthcare team upang matukoy ang pinakamabuting gamutan para sa iyong partikular na uri ng kanser sa baga pagkatapos ng operasyon.