MGA STAGES NG NON-SMALL CELL LUNG CANCER
Stage 1
Ang kanser ay matatagpuan sa baga lamang, at hindi ito kumalat sa kahit anong kulani. Ang laki ng tumor ay hindi hihigit sa ilang sentimetro.
Stage 2
Ang kanser ay nasa
iisang baga,
at maaaring
kumalat sa kalapit
na mga kulani ng
naturang baga.
Ang kanser ay nasa
iisang baga, at
maaaring kumalat sa
kalapit na mga kulani ng
naturang baga.
Stage 3
Locally advanced.
Ang kanser ay natuklasan sa iisang baga, mga kulani, at sa mga istruktura sa paligid ng gitna ng dibdib.
Stage 4
Metastatic.
Ang kanser ay nasa dalawang baga, o kumalat na sa ibang bahagi ng katawan, gaya ng atay o iba pang mga organ.
Alam mo ba?
*Ang pag-aaral na ito ay isinagawa mula 1999 hanggang 2002, na may 883 na mga pasyente na may NSCLC mula sa Chinese, Malay, Indian at iba pang mga pangkat etniko.
MALING AKALA & KATOTOHANAN TUNGKOL SA KANSER SA BAGA
Isa sa pinakamalaking maling akala tungkol sa kanser sa baga ay ang mga naninigarilyo lamang ang nasa panganib. Ang totoo, kahit ang mga taong hindi naninigarilyo ay maaaring nasa panganib pa rin na magkaroon ng kanser sa baga.
SINUMAN AY MAAARING MAGKAROON NG KANSER SA BAGA KAHIT ANONG EDAD, KASARIAN, LAHI, O STATUS NG PANINIGARILYO.
ANO ANG SANHI NG KANSER KO SA BAGA?
Ang kanser sa baga ay nagsisimula sa mga pagbabago sa iyong mga gene.
Ang mga pagbabagong ito, na tinatawag na "mutations", ay maaaring humantong sa pagiging cancerous ng mga cell ng baga at hindi makontrol na paglaki.
MGA RISK FACTOR PARA SA GENE MUTATIONS
Ang exposure sa mga bagay sa labas ng iyong katawan — gaya ng paninigarilyo, secondhand smoke, radon, polusyon sa hangin, o iba pang mga carcinogens — ay maaaring humantong sa mga mutation ng gene. Ngunit sa ilang mga kaso, ang mga mutation ng gene ay maaaring mangyari kahit kailan sa loob ng iyong mga cell nang walang malinaw na panlabas na dahilan.
Ang ilang genetic mutations o protina sa iyong kanser sa baga, na tinatawag na mga biomarker, ay maaaring magtulak sa iyong kanser sa baga na lumaki at kumalat.
