KUNG MA-DIAGNOSE AKO NA MAY STAGE 4 NSCLC,
ANONG MGA PAGPIPILIAN KO NA GAMUTAN?
Ang Stage 4 NSCLC, na tinatawag ding metastatic na kanser sa baga, ay ang pinaka-advanced na stage ng sakit na ito. Ang mga pagpipilian na gamutan ay depende sa kung saan at gaano kalala ang pagkalat ng kanser, ang biomarker status, at ang kabuuang kalusugan ng pasyente. Maaaring irekomenda ng iyong doktor ang isa o higit pa sa mga sumusunod na pagpipilian na gamutan.
MGA PAGPIPILIAN NA GAMUTAN
TARGETED NA THERAPY
Isang uri ng gamutan na tumutukoy at umaatake sa ilang biomarker o mga mutation na nagtutulak na lumaki at kumalat ang kanser. Ang targeted na therapy ay maaari ring makaapekto sa malusog na mga cells.
CHEMOTHERAPY
Isang gamutan sa kanser na
humahadlang sa paglaki ng mga cell
ng kanser, sa pamamagitan ng pagpatay
sa mga cell o sa pagpigil sa kanilang
pagdami. Ang chemotherapy ay maaari
ring makaapekto sa malusog na mga cells.
IMMUNOTHERAPY
Drug therapy na gumagamit sa immune system ng katawan para labanan ang kanser. Ang immunotherapy ay maaari ring makaapekto sa malusog na mga cells.
RADIATION
Isang uri ng gamutan na gumagamit ng
high-energy x-rays o waves upang patayin
ang mga cell ng kanser, o pigilan ang mga
ito sa paglaki. Ang radiation ay maaari ring
makaapekto sa malusog na mga cells.
TARGETED NA THERAPY
Isang uri ng gamutan na tumutukoy at
umaatake sa ilang biomarker o mga
mutation na nagtutulak na lumaki at
kumalat ang kanser. Ang targeted na
therapy ay maaari ring makaapekto sa
malusog na mga cells.
IMMUNOTHERAPY
Drug therapy na gumagamit sa immune system ng katawan para labanan ang kanser. Ang immunotherapy ay maaari ring makaapekto sa malusog na mga cells.
CHEMOTHERAPY
Isang gamutan sa kanser na
humahadlang sa paglaki ng mga cell
ng kanser, sa pamamagitan ng pagpatay
sa mga cell o sa pagpigil sa kanilang
pagdami. Ang chemotherapy ay maaari
ring makaapekto sa malusog na mga cells.
RADIATION
Isang uri ng gamutan na gumagamit ng
high-energy x-rays o waves upang patayin
ang mga cell ng kanser, o pigilan ang mga
ito sa paglaki. Ang radiation ay maaari ring
makaapekto sa malusog na mga cells.
KUNG ANG KANSER KO SA BAGA AY MAY ISANG EGFR MUTATION,
ANONG IBIG SABIHIN NITO PARA SA MGA PAGPIPILIAN KO NA GAMUTAN?
Kung ang iyong stage 4 NSCLC ay may isang EGFR mutation, ang iyong kanser sa baga ay maaaring gamutin gamit ang targeted na therapy na tinatawag na EGFR Tyrosine Kinase Inhibitor (TKI).
Ang ganitong uri ng gamutan ay kayang hadlangan ang signal mula sa EGFR na nagsasabi sa mga cell ng kanser na lumaki.
Bilang resulta, ang targeted na therapy ay maaaring magbigay sa iyo ng mas mahabang panahon nang hindi lumalaki o kumakalat ang kanser.